Tanging Hiling

Tulala nanaman at nadungaw
sa bintanang sarado.

Nakaupo sa isang sulok
na maalikabok at inaagiw

Magisa at nagmumuni-muni
tungkol sa kahapong nagdaan

Tila yata hindi makapaniwala
sa pangyayaring naganap

Tahimik nagdarasal sa Maykapal,
nagtatanong, nagsusumamo

Bigyang linaw and mga katanungan
na naglalaro sa aking isipan

Ano? Saan? Bakit? Paano?

Ano na nga ba ang nagyari
sa ating pagibig?

Saan na ang giliw kong
mahal?

Bakit nga ba nagka ganito?
Pagibig na walang humpa’y napaso

Paano na ang mga pangakong
inialay ko sayo?

O, Diyos ko,
Sana’y dingin mo ang panalangin ko sayo.

Biyang po sana ako ng pagkakataong
Mahanap ang aking sinta.

Isang saglit lamang aking hiling.
Upang aking sabihin, bago siyang magpaalam.

Mahal ko, inibig parin kita.
hayaan mong mahalin parin kita.

Leave a Reply